ron canimo |
lick to add headline
Upang mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante at beteranong mamamahayag tungkol sa disaster reporting, inilunsad ang isang seminar sa pangunguna ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan noong ika-14 ng Hulyo, sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Malolos City.
Nakilahok ang mga mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU) at La Consolacion University Malolos sa limang oras na seminar na may temang ‘(Dis)Covering Disasters’ kung saan dinaluhan ito ng mga diskusyunaryo na kilala sa larangan ng pamamahayag. “Information is the first line of defense against disaster,” pahayag ni G. Dino Balabo ng Mabuhay. Samantala, tinalakay din ang mga kalamidad na maaaring maengkwentro ng mga mamamahayag lalo na sa Bulacan, sa presentasyon ni Gng. Felicisima Mungcal na mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC). Napag-usapan din ang online libel sa diskusyong pinangunahan ni Atty. Juvic Degala, kung saan ipinahayag niyang ang isang responsableng mamamahayag ay may ingat at dignidad kahit sa simpleng pag-po-post lang sa kahit anong uri ng social networking sites. Nagbigay naman ng ilang tips sa pag-ko-cover ng balita sa gitna ng mga kalamidad si G. Rommel Ramos ng Radyo Bulacan sa pagtatapos ng seminar. Sa kabuuan, naging matagumpay ang seminar sa pakikipagtulungan ng Radyo Bulacan, Philippine Press Institute (PPI), Mabuhay, PromdiNews at Mabuhay Online.
0 Comments
Leave a Reply. |
Ron Canimo18 years old. Archives
May 2015
Categories |