ron canimo |
lick to add headline
Huwag lang matuloy. Kanselado ang klase at ilang final examinations sa Bulacan State University (BulSU) Meneses campus dulot ng isang text message na nagsasabing may mga bombang nakatanim sa paligid ng unibersidad noong ika-23 ng Marso sa Bulakan, Bulacan. Pasado alas nuebe ng umaga nang matanggap ni Victoria Tiongson, part time instructor ng eskwelahan ang mensahe mula sa mga numerong 0936-5162-561 na nagbababala tungkol sa humigit-kumulang limang bombang sabay sabay sasabog sa kampus sa loob lamang ng dalawang oras. “Ang unang step na ginawa namin ay ipa-verify ‘yong text. After securing the advice from the bomb experts, saka palang kami nagkansela ng klase, kasi siyempre hindi naman tayo agad agad magpa-panic at magpapauwi ng bata lalo pa’t hindi rin naman klaro ‘yong message, kaduda-duda kumbaga,” paliwanag ni Dean Remigio Musca. Dakong alas onse nang palabasin ang mga estudyante at kanselahin na ang pang-hapong klase upang maisagawa ng bomb squad at K9 unit ng Bulakan ang pagi-inspeksyon at clearing operation sa lugar. “Nagbe-bake kami no’n para sa final exam namin then no’ng nakarinig kami na may bomb threat daw, minadali na kami no’ng prof namin kahit hindi pa gano’ng luto ‘yong bine-bake namin. Maaga kaming pinauwi no’n kahit hindi pa tapos ang mga exams dahil may mga nakakalat na ring pulis,” pahayag ni Jemelle Manlangit, BSHRM 2-A. Alas kuatro ng hapon nang ideklara ni P.Supt. Gerry Andaya, hepe ng Bulakan PNP na ligtas ang pasibilidad at walang anomang uri ng pampasabog ang nakatanim sa loob at labas ng eskwelahan. Marahil ‘di umano’y gusto lamang manggulo ng sender ng mensaheng natanggap. Hindi rin naman nawawala ang konklusyong baka mismong estudyante lang ng pamantasan ang nagpasimula ng kaguluhan dahil ayon kay Junie Balucan, head guard: “ Sino bang magkaka-interes na pasabugin ‘tong eskwelahan di’ba? Wala namang may galit dito, ang mayroon lang e final exam. Pwedeng ‘yong batang hindi nakapag-review o hindi nakapagbayad ng matrikula. Logic lang naman e.”
0 Comments
|
Ron Canimo18 years old. Archives
May 2015
Categories |