ron canimo |
Road to Forever: Mga Yugto ng Kabayanihan
Hindi lahat ay isang iglap.
Mayroong proseso sa pagkamit ng isang bagay. Mayroong daang tatahakin bago makarating sa finish line. Kung minsa’y susubukin ng panahon, kung minsa’y aayunan ng pagkakataon. Darating ang puntong mao-obligang mamili sa dalawang daan, kaliwa o kanan. Mararanasang madapa, masugatan ngunit muling babangon dahil sa paniniwalang walang imposible, na kapag nagmamahal, mayroong forever. Magsisimula ang lahat sa isang paghanga, sa unang pagtatama ng mata, sa spark. Daraan sa iba’t ibang proseso. Hanggang ang isang inspirasyon ay humantong sa tinatawag na habambuhay. Unang Yugto: Inspirasyon/Paghanga/Spark Mula sa isang simpleng indibidwal, sa minsang pagsulyap sa mata ng reyalidad ay may namuong pakialam at pagmamahal na nag-udyok upang pasukin ang mundong akala ng marami’y puno ng komplikasyon. Isa si Bryan Boy Cortez ng Baliuag University na naging bahagi ng TOSP sa mga tumibok ang puso para sa kanyang kapwa. “ Nagsimula ito noong naging aktibo ako sa simbahan, nakita ko ang pangangailangan ng mga tao, naramdaman ko ang kanilang mga pinagdadaanan sa buhay, at naitanong ko sa aking sarili ‘ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nabubuhay?’ Talagang gumagawa ng paraan ang Diyos upang iparamdam sa akin kung ano ang aking papel dito sa mundo, at iyon ang ibahagi ang aking sarili sa mga taong nangangailangan.” Kahalintulad niya, maaga ring nakaramdam ng simpatya si Beverly Valencia ng Bulacan State University para sa komunidad kung saa’y noon pa lamang ay kinakitaan na niya ng kahinaan. Kaya’t nang dumating ang pagkakataon niya upang gumawa ng hakbang upang makatulong ay hindi na niya ito pinakawalan. “ Even way before (earliest high school) I was easily affected and saddened by certain things in society. Pero considered it public opinion na lang but by meeting like minded individuals starting from the publication to AYLC, I thought ‘hey this is not impossible!’ It’s not weird to think this way. Hindi lang ako ang nagmamahal sa kapwa ko Pilipino. And the way these people do their stuff, especially the ates and kuyas in TOSP, it really inspires me to be a better individual.” Ayon pa kay Beverly, aminado siyang noong una’y nagduda siya sa kanyang kakayahan na gumawa ng paraan upang makatulong sa dinadamang pagsubok ng bayan, na siya ring naramdaman ng ilan pang TOSP alumnus noong una silang humakbang para sa pagbabago. Ikalawang Yugto: In Denial “ Simula’t simula pa lang, ako na mismo sa sarili ko ang nagtatanong kung may magagawa nga ba ako para sa ibang tao. Time management at mababang tingin sa sariling kakayahan ang kauna-unahang hindrance ko para ituloy kung ano man yong gusto kong gawin, which is to pursue a true love waits campaign,” pag-amin ni Aelhyn Carol Lucero ng Holy Angel University, Pampanga. Siya’y naging saksi sa malalaking problemang kinakaharap ng komunidad tulad ng mga kabataang maagang nabuntis, walang trabaho at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Sa kanyang pananatili sa kolehiyo’y naranasan na rin niyang magpaanak sa mga kabataang nasa edad 13 at ayon sa kanya: “hindi actually inspiration ang tawag ko sa kanila e, pero stimulus to be positively disturbed. Ano pang sense ng small groups at pledges hangga’t may mga kabataang tulad nila na hindi aware that there’s so much more to teenage life than engaging in pre marital sex and get pregnant at a very young age.” Samantala, hindi pagdududa kun’di mga katanungan ang nagtangkang humadlang kay Bryan nang magdesisyon siyang sumama sa misyong maghatid ng progreso’t inspirasyon sa kapwa. “ Nagduda, hindi. Nagtanong, oo. Sa aking paglilingkod hindi ako nagduda dahil ito ang gusto ko, pero dumating sa buhay paglilingkod ko ang tanungin ang aking sarili, “Bakit mo ito ginagawa?” Ang tanong na ito ang patuloy na nagbibigay lakas sa akin upang ipagpatuloy ang aking paglilingkod, gusto kong patunayan sa sarili ko na sa bawat gagawin ko kaya kong sagutin ang katanungan na ito,” dagdag pa niya. Ikatlong Yugto: Panliligaw/Getting There ‘Pagkat ang tunay na nagmamahal ay hindi padadaig sa alinlangan. “ When you think of the word advocacy, nakaka-intimadate s’ya. You look at what people do on a larger scale and you’re just constantly amazed. Can I do something like that? Everyone’s different, and the first step I took in serving is embracing my beliefs personally and turning it to my advocacy. To never live a mediocre life. Strive for excellence. Don’t give up on this country. Don’t ever give up because we deserve better than this,” ani Beverly. Hindi malayo sa naging unang hakbang ni Beverly upang ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya, nagsimula rin si Bryan sa pagpapatatag ng kanyang sarili at paghahanda para sa mga susunod pa niyang hakbang. “Ang naging unang kakbang ko ay kilalanin ang aking sarili at linawin kung ano nga ba ng gusto ko sa buhay. Inumpisahan ko rin ito sa pagtulong at pamunuan ang aking sarili, sapagkat alam ko na bago mo matulungan at mapamunuan ang ibang tao, kailangan handa ka muna sa iyong sarili na harapin ang mga pagsubok na darating o makakasalubong mo sa daan patungo sa paglilingkod.” Ika-apat na Yugto: It’s Official Kabilang din sa mga TOSP alumni si Melanie Ang, mula sa Wesleyan University ng Nueva Ecija sa mga kabataang nakaramdam ng kakaibang feeling sa pagse-serbisyo sa kapwa at nakaranas ng paga-alinlangan sa simula ngunit nanindigan hanggang sa tuluyan niyang yakapin ang pagiging isang makabagong bayani. “Nang ako’y 3rd year college, ganap ko nang niyakap ang responsibilidad. Habang ako’y isang volunteer pa lamang, naisip ko na hindi ako sapat, na kung gusto kong makatulong sa mas marami, kailangan ko pa ng mas maraming makakasama,. Dito, nagsumikap ako na makabuo ng isang grupo na kung saan makakasama ko sa aking paglalakbay. Mga bagong kaibigan na ginising ang kanilang puso para sa pagtulong.” Para naman kay Bryan, ang paglilingkod ay isang drugs, nakaka-adik aniya na ‘pag nasimulan mo na, gusto mo araw araw mo ng gawin. Naging malaki ring bahagi ang kanyang TOSP Family para tuluyan niyang tahakin ang daan sa pagtulong, kagaya sa nangyari sa buhay ni Aelhyn. “After TOSP 2014 formation, do’n ko na-realize na kahit sinong nagmamahal sa kapwa, ay pwedeng maging bayani. Walang malaki o maliit na bagay, basta willing ka magbigay ng part ng sarili mo sa bayan. Dito ko rin lubusang niyakap sa buhay ko ang mas matitinding hamon ng paglilingkod, simula sa isang maliit na simbahan, going to different schools and universities, hanggang sa buong Luzon, kasama ng mga bagong kaibigan na tinuring ko na ding parang sarili kong pamilya sa TOSP.” Ikalimang Yugto: On the rocks Imposibleng hindi magkaroon ng trials. “ One of the greatest challenges I faced in the process of being a nation builder, was the continuous throwing of questions sa akin ng mga critics. Hindi nauubos ang mga taong nagdududa sa kakayahan ko, or ni Heart Project na magkaroon ng positive impact sa mga kabataan. To the point na ako mismo, e gusto na ring sumuko,” pagpapatuloy ni Aelhyn. Oras naman ang sumubok sa katatagan ni Melanie sapagkat ang paglilingkod sa bayan ayon sa kanya ay kumokonsumo ng malaking bahagi ng buhay kaya’t dumating sa puntong nahirapan siyang sa time management. Gayonpaman, hindi parin siya bumitiw sa kanyang adbokasiya, katulad ng paninindigang ipinamalas ni Bryan sa kabila ng diskriminasyon sa kanyang murang edad. “Sa aking buhay paglilingkod, naranasan kong makwestyon ng mga taong nasa paligid ko, hindi sila nagtitiwala sa akin kasi nga bata ako, kasi nga may iba silang gustong maglingkod sa kanila, o simpleng ayaw lang nila talaga sa akin.” Ika-anim Yugto: Second Chance “Ang pagsubok marahil ay ‘di mauubos sa isang bayani. Ngunit ang tunay na may Pusong Bayani kailan ma’y ‘di mapapagod. Sa tuwing ako’y makakaramdam ng pagod sa paglilingkod, inaalala ko lamang kung bakit ko ito ginagawa. Inaalala ko lamang ang mga inspirasyon ko sa buhay, Inaalala ko lang ang ngiti ng aking ina at ama, ang ngiti ng mga bata at matatandang aking natulungan.” Ang pahayag na ito ni Melanie ang kabuuang rason ng mga TOSP alumni na nagbahagi ng kanilang karanasan sa mabatong daan ng paglilingkod. Ayon sa kanila’y hindi ang pagsuko ang makakapag-ahon sa bayan mula sa sari-saring problema kaya’t kahit na minsan na silang napatid ay walang-sawa parin silang bumabangon upang magpatuloy. “Iniisip ko lang, kung ‘di ako sino pa, kung hihinto ako sino ang magpapatuloy? Paggising ko palang sa umaga iniisip ko na kung ano ang gagawin ko para sa ating bayan, hindi na importante kung malaki man ito o maliit. Patuloy ko lang sinasagot ang katanungang, “para saan/kanino ba ako gumigising?” Ito ay para patuloy kong malaman kung bakit ba ako nabubuhay dito sa mundo, ano ang dahilan kung bakit ako nandito sa Pilipinas, at ano yo’ng magagawa ko para sa ating bayan,” dagdag pa ni Bryan. Ikapitong Yugto: Going Strong Sa paulit-ulit na pagkadapa’y mas lalo pang tumibay hanggang sa masanay na’t balewalain ang mga hadlang at ituon ang atensyon sa kung anong makapagpapasaya sa kanila. Magmahal ng tapat, magmahal ng walang kapalit. “ When you do something over and over again, it becomes a habit right? The same with thoughts. When you train your thoughts and the whole of your senses to be always aware and involved, that can affect your personal choices in life. And that can go on forever. Because anything you do and touch in this world will carry on to eternity. May forever,” pagtatapos ni Valencia. Tulad niya, natagpuan din ni Aelhyn sa walang-sawang paglilingkod ang tunay na kahulugan ng buhay. Nalaman niyang ang pagpapasaya ng ibang tao ang makapagpapasaya sa kanya. “I could say na matatag na ako ngayon because I clearly know what I want to pursue in life. Though alam ko, na sooner or later, may mga challenges pa na darating na mas magpapatibay pa lalo sakin. Pero sabi nga ni batchmate Reymond Galvez, ‘KUNG MAY PAGMAMAHAL, WALANG PAGTITIIS. KUNG NAGTITIIS MAN, MINAMAHAL ANG PAGTITIIS.’ Because these challenges make us whole and even stronger persons.” Huling Yugto: Forever Sa pagkahaba-haba man ng proseso, sa forever parin ang tuloy. “ Masasabi kong ang aking paglilingkod ay pang-habambuhay. Hangga’t may hininga ako, patuloy akong maglilingkod. Mawala man ako, may mga buhay na akong nabago at sila ang magpapatuloy kung ano yong ginawa ko para sa bayan. Sila ang makakasagot kung may forever nga ba,” pagtatapos ni Cortez. Samantala, binalikan naman ni Aelhyn ang mga sinabi ng kanyang daddy JCon sa pagsagot niya kung mayroon nga bang forever sa paglilingkod sa sariling bayan, aniya: “the dice of fate has rolled and we are called to be the heroes of this generation. So as a challenge, I think maisasalin ko ang pusong bayani by encouraging the youth to: Live a life of excellence. Make excellence a decision upon waking up in the morning. Like the cells of our body, nation building starts within you, the better version of yourself and not from other people. Be joyful always. Know your essential core values in life. Bring them wherever you go and whatever you do, do it with pure joy and love. Love. Yes, LOVE. Dahil gaya ng PAG-IBIG, ang pagiging bayani ay isang desisyon na patuloy kang maniniwala sa forever at mabubuhay ng nagmamahal kahit nasasaktan.” Re-tasting the forgotten recipes of Bulacan |
|
“Ang pagkain ang naglalarawan sa pinagdaraanan ng bansa” - Milagros “Ka Mila” Enriquez, accumulator of the recipes and historical background of foods in Bulacan, marked her identity beyond generations by her compilation entitled Pamanang Kaluto ni Tita Mila.
This is the root of personality and breed of the current generation, a large part of history that should not deteriorate. Perhaps, you’ve tasted it but you don’t know its name or maybe you know what it called but you’ve never given a chance to savour it. For some instance, it is acceptable. But having no any single idea about the historic food of your own rest, it is quite idiocy. So then, for us to escape imprudence, taste and see every bit of our history as we travel back in time with every bite of Bulacan’s riches delicacies. Foods that most of us haven’t known it ever existed. Foods that our new welcomed age are nearly forgetting with. And foods that shaped up our province the way we are treasuring now. Serkele: Of Darken Memoirs There are instances in life that destined to happen just once. There are scenarios occur only for one time. As the cliché stated, you cannot bring back the past. However, memoirs will never be over and done by the things which contain the significance of everything in history. Just like the simple way to remember the heroism of Mariano Ponce through his favorite dish dubbed as serkele which is the Bulakenyo version of the all-time Filipino favorite delicacy, dinuguan. The first differentiate to the second by the part of meat used, because usually, serkele contains intestine, liver and heart of cow or boar, while dinuguan more often satisfies with brisket and fat. “ Noon kasi, ‘yung mga kusinero sa kumbento ng mga pari, gumagawa sila ng paraan sa mga para hindi masayang ‘yung part ng meat na hindi kinakain ng mga prayle tulad ng mga lamang loob, kaya ginawa nila ‘yung poor man’s version ng dinuguan kung saan hindi mga prime parts ng baka ang sahog, at ‘yun nga ang serkele,” explained Rheeza Hernandez, Puni De Malolos Founder, a food historian in Bulacan and niece of ka Mila . A dish originating from Baliuag, Bulacan, Serkele is made up of cow’s innards and its other ingredients are cut in circles, where the term Serkele or circle was derived. Moreover, the ingredients are not sautéed like cooks often do in dinuguan, rather they are cured in vinegar-water solution. Serkele is known to be served by the famous cafeteria of “Aling Luring’s Goto at Serkele” located at Concepcion, Baliuag, Bulacan. The family-run eatery serves serkele for almost 46 years which is actually a Bulacan specialty that brought to Cauayan City, Isabela in 1985 and locals have been enjoying the dish with puto ever since. “ Iba kasi talaga ang serkele. Mas malinamnam siya kaysa sa dinuguan. Hinahanap hanap siya ng mga customers na tulad ko. Nu’ng mamatay si Aling Luring noong 1997, ipinapatuloy parin ng mga anak niya itong pagseserkele. Bata pa ‘ko nu’n at ngayong may sariling pamilya na ‘ko bumabalik parin ako dito,” stated Francis Philip Chico, customer from North Fairview, Quezon City. However, despite the resemblance and good feedback to the historic dish, the survey conducted by Pacesetter resulted only 20 out of 500 students of Bulacan State University (BulSU) said that they are familiar with it, 80 who are uncertain and a resounding 400 who claimed that they have not even heard of it. “Ang alam ko lang kasi talaga e dinuguan. ‘Yung serkele ngayon ko lang narinig ‘yan. Siguro kung magpapakita ka sa’kin ngayon niyan, sasabihin kong dinuguan ‘yan. Siguro din nakatikim na ‘ko, pero hindi ko talaga alam na may serkele palang pagkain,” admitted by John Alwyin Angeles, BS Criminology 4B. Pindang: ‘Till Death Do Us Part As another proof that the youth of today allows their innocent mind to be spoiled without even tasting a remarkable tongue’s pal, the survey for pindang, which hailed as the survival food of the Katipuneros and Heneral Eusebio Roque’s favorite food, marked a merely 25 check for known out of 500 who were answered the form. This carabao meat jerky food traces its roots from the municipality of Pandi, Bulacan. Salted well and fried until crisp, pindang is one of the most convenient foods to bring during the war since Katipuneros placed them near their waist to combat hunger brought upon by the war-torn days. “ Ang pindang kasi isusuksok mo lang ‘yan sa ‘pamewang’ kung tawagin ‘yung lalagyan na nakatali sa baywang. Dudukutin lang nila kapag nagugutom sila. Kaya paborito ‘yan ni Eusebio kasi mahilig siyang makipagdigma nu’n, kahit nakikipaglaban pwedeng dukutin ‘yan then kainin. Kaya nga rin binansagan ‘yang survival food kasi matagal ‘yan nguyain, makunat e, so matagal ang pagkain,” explained Hernandez. While many Bulakenyos are not familiarized with this food, there’s this restaurant famed to be called Bistro Maloleno that serves historical foods like pindang. The eating place also preserves the Bulacan cuisine through mixing of modern and vintage recipes, but never eliminating the original procedures. “Gumawa kami ng mga pagkain na kikilanin bilang pagkain ng Bistro, pero ‘yung food of our heroes, hindi namin iniba ‘yung ingredients, hindi namin iniba, as in gano’n pa rin. Siguro, ginandahan lang namin ‘yung kung pa’no i-serve, ‘yung plating, ‘yung presentation, kumbaga ‘yun din ang ingredients, kung pa’no mo lang iayos ‘yung pagkain,” told Ferdito Talbenito Jr., owner of Bistro Maloleño. Academic books maybe reasonable to be blame as Quincy Vinuya, future educator itself tagged history books as one of the reasons on why lots of youth do not know the existence of such significant foods. “ Wala naman kasi ‘yan sa libro ng elementary o ng highschool, pati nga sa college e. Hindi rin naman itinuturo ng mga teachers ng history, kaya marami talagang hindi nakakaalam. Parang tocino ba? ‘Yung tocino alam ko, pero ‘yung term na pindang, never been heard,” ended Vinuya, from BSEd 3H. An unrecognised food like pindang is sort of alarming, so does its side dish, Nilasing na Magga known by the students as binurong mangga, terminating some significance that engraves to its sour experience is kind of disturbing too. Nilasing na Mangga: As Intoxicated Modernization “ Ang alam ko lang binurong mangga. Ibababad ‘yung manggang hilaw sa container na may suka, then i-i-stock for days or weeks. Pero ‘yung nilasing na mangga, from the name itself, malamang sa alak ‘yan binabad. But as I’ve said, hindi talaga ‘ko pamilyar du’n,” confessed Paulo Teodoro, BLA 3A. Taking back to the past, the Katipuneros liked resting and celebrating with a mangga dipped in a bit of salt and sugar and a new alcoholic drink called Serbesa on their tables. It was said that one day while they’re all celebrating, a chaos was happening in the town making the brave men go forth and leave the celebration. The woman and kids on the other hand were fast enough to clean all the food left on the table. But they didn’t expect what had happened to the foods as they all went back from the battle. The mangga was accidentally mixed up to the Serbesa, making it taste like a fermented food as they think. From that moment on, they called it, ‘Nilasing na Mangga’. “ Maraming kwento tungkol sa nilasing na mangga e. 1800 in-introduce ang alak o serbesa sa Pilipinas, at isa nga sa mga dahilan ng pagkabuo ng nilasing na mangga ay ‘yung aksidenteng pagsasama-sama ng alak at manggang pulutan ng mga katipunero nang itago ito ng mga kababaihan sa isang lalagyan dahil nga may labanan,” told Hernandez. First made in Bulakan, Bulacan, nilasing na mangga done with just 4 easy steps: subsequently, get an unripe mango; put a beer on it; mix it with a bit of salt and sugar and ferment it for three (3) days. In this way, the feeling of a Katipunero, just with the food they it, you’ll feel being one. However, the problem of the society which leads to ignorance of the importance of these delicacies is the urbanization, exclaimed Edilberto Larin, director of Center for Bulacan Studies (CBS). “When we have a new culture in our hands, we always have the tendency to drop the old one. Kapag nakakakain ka kasi sa mga restaurant na ito [Jollibee, McDonalds, Pizza Hut, etc.] s’yempre nagbibigay yon ng status quo or status symbol sa community. Yung luma, gusto na nating iwanan dahil may nakita tayong mas convenient. Kaya natatabunan ‘tong mga historical foods natin, kasi for the mere fact na yung food industry mismo sa Pilipinas, kailangang i-revolutionize,” expounded Larin. As chicken recipe always occupies a slot in the menu of various fast food chains in the country, an unfamiliar dressing and formula express by a nude fowl with a special look to proclaim that not all historical foods are cheap and ordinary; but elegant like its history. Nilitsong Manok sa Saha: Beyond Toasted Hopes Katipuneros usually serve it to Andres Bonifacio, their Supremo, as their gift and token of appreciation. The abundance of chickens at that time was a factor for Katipuneros to make this sumptuous present, aside from the fact that the saha or banana trunk functions as a portable container and a wise concealment from the prying eyes of suspicious Spaniards. “ Ang kaibahan lang noon para ‘di ka’gad masunog ‘yung manok, binabalot 'yun sa saha ng saging, and may hidden purpose kasi ‘yung paggamit nila ng saha dati. Kaya lang ngayon, mahirap kasing maghanap ng saha, at wala naman na tayong hidden agenda, kaya ang ginagamit namin dahon. Bago masunog 'yung chicken, 'yung dahon muna,” explained Talbenito Jr. Made from chicken meat and rubbed with tanglad or lemon grass and sampaloc leaves, Nilitsong Manok sa Saha may taste somewhat sour, however, it does not disappointing. What sets this dish apart from the typical grilled meat is its impeccable and home-made sauce. “Malaki pa rin 'yung difference niya do’n sa mga lechon na natitikman natin ngayon. Specialty 'yung sauce, special 'yung sauce. Kasi kung titikman niyo siya, parang old version ng Mang Tomas, real 'yung ginagamit na atay ng manok. 'Di tulad ngayon meron ng mga instant, 'yung mga naka-bottles, kumbaga mas healthy pa rin 'yung dati 'pag tatangkilikin natin 'yung mga old cuisine,” added Talbenito Jr. Regardless of its significance to the Katipuneros and its simplicity, only a handful of BulSUans recognize this dish. The survey conducted by Pacesetter revealed that there are merely 180 out of 500 stated that they know about Nilitsong Manok sa Saha. “ Nilitsong manok alam na alam nila ‘yan, pero ‘yung saha, parang madalang kasing marinig ‘yan e. Pero kung sasabihin mong fried chicken, chicken joy o roasted chicken, alam na alam ng bata ‘yan. Palagay ko may kakulangan talaga sa pagtuturo ng mga ganitong bagay e, naiisantabi kasi ‘yung sariling atin,” told Hernandez. Unlike the mentioned foods, there’s this food that is remarkable because it signifies triumph for the Filipino Bulakeno. Arroz ala Cubana: Taste of Victory The American era brought the existence of potatoes and raisins in the Philippine’s culinary table. With the combination of grinded pork meat, green peas, tomatoes and onions, these ingredients are mixed together and simply sautéed. The fried saba accentuates the overall dish and makes it a complete meal. The dish’s name was from Spanish origin, with the term Arroz meaning rice and Cubana meaning bananas. Rheeza Hernandez shared that Liberasyong Bulakan paved the way for the birth of this dish. It was 4th of June 1898 when the group of Spaniards oppressing Bulakan, Bulacan finally surrendered. Cooks celebrated this momentous event by preparing food, and it was then that Arroz ala Cubana was born. Shortly after during the American colonization, that the potatoes and raisins were added. Even the results of the survey always posts a stumpy number of students who are familiar with the food, just like again to this case wherein only 67 BulSUans claim that they know Arroz ala Cubana, at least there are still remaining youths who are seeking for food such this. “May ibang mga kabataan na na-a-amaze. Actually, ‘yung mga taga-UST nagpunta pa dito para lang tikman ‘yan. Then parang kayo din, pinag-aaralan nila. Nakakatuwa kasi kahit malayo, pinuntahan nila para malaman, alamin kung ano ‘yung ingredients, ano ‘yung significance ng pagkain,” told Talbenito Jr. However, an unsatisfying rate regarding familiarity of historic foods is a sign of a sudden vanishing of inherited treasure. This will surely happen when strong force take an action. “Mas maganda sana kung kahit tangkilikin nila ‘yung pagkain ng ibang bansa, ‘yung sa atin muna ang unahin Sa ganoong paraan kasi, nakakatulong rin ‘yun sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mga kababayan mo. Tapos, ‘yung pagpapalaganap ng mga original Pinoy dish ay naisasagawa pa,” added Talbenito Jr. Without added special ingredient, Arroz ala Cubana, like the tackled foods above, never gains special attention from the government and society. Spoon and Fork: Excluding the Disposable One “Kaya hindi ka nagtatanong kasi hindi mo alam. Kaya hindi mo alam kasi hindi itinuro sa’yo. You cannot find interest on something you don’t know. Kaya nga sana, maisama ang pagtuturo ng food history sa curriculum, kasi ang edukasyon ay isang malaking daan para ma-i-promote ang almost forgotten ingredient of the century,” thus emphasized by Hernandez. Lack in promotion is the main reason that BulSUans blame as to why they are not familiarized to these must be known foods. “ Parang wala lang din naman kasi sa society natin, I mean, hindi naman napa-prioritise kaya hindi nalang din namin inaalam. Kami kasing mga kabataan, kung nasaan ang ingay, nandu’n kami. At dahil hindi naman napo-promote ng husto ang mga historical food’s na ‘yan, hindi rin kami tatalima,” explained Patricia Lozano, BAJ-3A. For CBS director Larin, people is not always be the one to blame as many of us wanted a better and new things that will surely fit in to the current times, “kung hindi mo kasi sya [historic foods] iuupgrade, irerepackage, kakainin nito yung mga pagkaing talagang atin. At magsisimulang magkumpara ang tao.” Moreover, Rheeza Hernandez and Ferdito Talbenito Jr. already planned to collaborate and advocate the preservation of Bulacan’s cuisine, but for some conflicts, the plan is at rest tentative. “ Ang plano namin, parang dinner for a cause. Wala kasing masasabing tamang establishment or maibigay sa amin ang gobyerno na parang ‘Oh eto, p’wede niyong gawing museum’, kaya ang plano ko parang dito muna sa restaurant, ‘yung mga ‘Food for our Heroes’, papagawan namin ng mga fake foods. Kasi marami na ring turista ‘yung nagpupunta saka mga student tours, kaya gusto namin ipakilala,” told Talbenito Jr. On the same path, Hernandez aims to take the last step until teaching of food history is considered as a pre-requisite in schools. “Habambuhay magiging advocacy ko na ‘yan dahil alam kong darating ang panahon na marami ang makakaramdam na kailangang may gawin silang misyon para mapanatili ang kasaysayang dala-dala ng mga pagkain ng Bulacan. Years from now, mare-realise ng marami na mahalaga ang ipinaglalaban ko,” ended Hernandez. |
|
|
Candaba, kayganda!
Kilala ang Filipinas bilang prodyuser ng mga migranteng Filipino na naghahanapbuhay sa ibang bansa. Nagsasakripisyo, nagsusumikap at nagtitiis upang mabago ang sistemang kinamulatan sa inang bayan. Isang kahig, isang tuka. Nagbabaka-sakaling mapaginhawa ang buhay sa paglipad sa ibang bansa. Lingid sa ating kaalaman ay mayroon ring mga taga-ibang bansa na dumarayo sa Filipinas upang maghanap ng buhay. Humantong sa pagraraos ng literal na buhay. Buhay na naka-ayon sa lugar na kanilang pansamantalang palalagian. Migratory birds ang tawag sa kanila. Mga ibong nandarayuhan upang humanap ng lugar na may pagkain, tamang temperatura at atmosperang taglay ng Candaba Swamp sa Pampanga. Candaba Swamp Sa bansang polusyon ang bumabalot sa hangin, problema ang namamayani sa bawat Juan at naghahanap ng pag-asa sa masikip, mainit at maingay na mundo… Ang Candaba Swamp ay matatagpuan sa Donya Simang Candaba, Pampanga. Ito ay may sukat na 32,000 ektaryang binubuo ng sapa, latian at putikan na pinalilibutan ng matataas na damo, araruhing lupa at mga puno. Ang pangunahing lawak ng waterfowl o yaong tubigan para sa mga ibon ay may sukat na 300 ektarya. Masasabing perpekto ang Candaba Swamp para sa mga itik dahil sa putikang taglay nito. Kaya naman dito pinapastol at pinangingitlog ang libo libong alagang itik ng mga residente. Sa panahon ng tag-ulan, ito ay ginagawang fish pond at pagsapit ng Enero ay ginagawa namang lugar para sa agrikultura. Isang makapigil hiningang tanawin ang lugar lalo na sa oras ng paglubog ng araw. Sariwang hangin, payapang paligid at magandang tanawing pinatingkad pa ng bundok Arayat na matatanaw mula sa lugar. Biyayang ipinagkaloob ng Maykapal. Biyayang dapat ipagpasalamat ng mga taong saksi at nakikinabang sa lugar. Biyayang karapatdapat lamang mapabilang sa Ramsar List of Wetlands of International Importance. Ilan sa mga lupa rito ay pribado at okupado na ng mamamayan ng Candaba kabilang na ang dating mayor nito na siyang nagmamay-ari ng 70 ektaryang lupa na bukas sa publiko dahil sa atraksyon dito, ang Candaba Bird Sanctuary. Candaba Bird Sanctuary Magkakaibang lahi ngunit nagbubuklod-buklod sa panahon ng kalamidad. Magkakasamang lumilipad, naghahanap ng lugar para mabuhay. Bawat taon, nililibot ng mga ibon ang buong mundo upang maiwasan ang tag-lamig. Ito ay tinatawag na preservation instinct. Gaya ng tao, nag-aasam rin ang ibon ng kumportableng lugar sa panahong kahit mga balahibo nito’y hindi masumpungan ang nais na pakiramdam. Sa Filipinas, mayroong 117 lugar na paboritong dayuhin ng humigit-kumulang sa 80 uri ng ibon upang pagpahingahan at pangitlugan. Isa sa mga lugar na ito ang Candaba Swamp na matatagpuan sa Candaba, Pampanga. Sa pagitan ng mga buwan ng Nobyembre hanggang Abril ay naglalagi rito ang mga ibon gaya ng Grey Heron, Whistling Ducks, Great Egrets, Garganeys, Eurasian Wigeons, Northern Pintails, Northern Shovelers, Tufted Ducks, Pochards, Purple Swamphen at marami pa. Karaniwan sa mga dayuhang ibon na ito ay mula sa mga bansang tulad ng Russia, Alaska, China, Korea at Japan. Tamang temperatura. Sapat na pagkain. Maayos na pagtanggap. Sa kabila ng malaking pakinabang ng mga dayong ibon sa Candaba Swamp, isa ring oportunidad ang nagbukas para sa Candaba upang maging tanyag ang lugar sa pamamagitan ng libu-libong dayong ibon. “Fish farm nga dapat ito e, kaso nung mapansin naming dinarayo ng maraming ibon, I decided to make it bird sanctuary. Hindi naman ako nagsisi dahil ito ang naging asset ng Candaba”, pahayag ng dating mayor Jerry Pelayo. Home of Migratory Birds. Nakilala ang Candaba at tumawag ng pansin sa maraming turista ngunit nagdulot rin ng pangamba sa kaligtasan ng mga ibong lokal at dayuhan. Dahil dito ay naglabas ng ordinansa ang dating mayor sa kanyang munisipalidad na nagbabawal ng pamamaril at panghuhuli ng mga ibon sa swamp (Resolution No.51) taong 2004. Ginawa rin niyang bird reservation area ang 100 ektaryang fish pond na pagmamay-ari niya. “Protecting birds and other wildlife is a serious business in Candaba,” pagtatapos ng dating mayor. Give and take. Nakikinabang ang mga migranteng ibon sa wetland o swamp na sakop ng Candaba na may kasamang proteksyon mula sa mamamayan nito. Sa pamamagitan naman ng mga ibong ito ay naging tanyag ang lugar at napagbuklod ang mamamayan ng Candaba, bonus pa ang trabahong naidudulot nito dahil sa mga turista. Talaga nga naman naging yaman hindi lamang ng Candaba o ng Pampanga ngunit maging ng Filipinas ang swamp na ito kasama ang mga dayuhang ibon na dahilan kung bakit nagkaroon ng santwaryo sa simple at liblib na lugar ng Candaba Pampanga. Bilang pagpapaigting sa bird preservation at pasasalamat dahil sa naging tourist destination ang lugar, nagdaraos ng selebrasyon ang bayan ng Candaba na kilala sa tawag na “ Ibon-Ebun Festival”. Candaba Ibon-Ebun Festival Mabuhay ng may pakinabang. Pagyamanin ang lupang tinutungtungan. Kapag nabigo, malaya kang umulit. Kapag nagtagumpay, huwag kalilimutang magpasalamat. Sa una at ikalawang araw ng Pebrero ay ipinagdiriwang ang Ibon-Ebun Festival na dinarayo ng maraming turista sa Candaba, Pampanga. Mga residente, dayuhan, artista, maging ng mga opisyal ng gobyerno (lokal at nasyonal) ay nagnanais masaksihan ang malaking kaganapan na ito. Sayawan. Hiyawan. Makukulay na kasuotan. Sangkap ito ng pagpupugay sa lokal na patron ng Candaba na si San Nicolas de Tolentino. Ang pistang ito ay pinaniniwalaang may koneksyon sa migrasyon ng tarat (Brown Shrike) sa Candaba. Kasabay ng sayawan sa daan ay ipinuprusisyon ang santo habang isinasagawa ang tradisyon na pagbibigay dito ng cookies. Ayon sa kwento, mas pinili raw ni San Nicolas na kumain ng gulay kaysa karne. Imbis na ihain ang ibon sa hapunan, nagkrus siya at pinakawalan ito. Ibon-Ebun (bird-egg). Ang ebun ay salitang kapampangan na ang ibig sabihin ay itlog. Dahilan na ito’y probinsya ng Pampanga kaya’t hinaluan ng kapampangan ang ngalan ng festival. “We are aiming to boost food production and promote eco-tourism through the last year’s Ibon-Ebun festival,” wika ni Eduardo Manangu, isa sa mga organayser ng festival at pangulo ng Candaba Swamp Migratory Birds and Wildlife Foundation. Sari-saring kostyums ng mga ibon ang suot ng mga estudyanteng mula sa mga mataas na paaralan ng Candaba. Mainit man ay todo hataw sila hindi lang dahil sa kumpetisyon kundi upang mapasaya ang mga nanunuod. Dalawang araw ang pagdiriwang kaya naman maraming pagtatanghal ang masasaksihan. Ipinopromowt din nila ang mga produkto ng Candaba gaya ng gulay at prutas, mga isda, halaman, handicrafts at hindi mawawala ang mga ibon at itlog kung saan sikat ang lugar. “Dapat lamang talaga na magselebreyt ang Candaba, lalo pa’t patuloy ang pagdayo ng mga migratory birds at paglago ng duck-egg industry dito,” pagtatapos ni Manangu. Candaba Swamp. Bird Sanctuary. Ibon-Ebun Festival. Tatlong asset sa iisang bayan. Konektado sa isa’t isa, kapag pinagsama-sama, tunay nga namang CANDABA, KAYGANDA! |