ron canimo |
lick to add headline
“ Ang natatandaan ko lang no’n ay kumain kami ng BT talong na mismong kami [pamilya] ang may tanim, kaya nagtataka rin kami no’ng nagka-rashes kami at ‘yong bunso kong kapatid na 8 years old ay dinala pa sa ospital dahil ayaw tumigil sa pagdudumi.” Ito ang hinaing ni Christian Guzman, mula sa kolehiyo ng mga inhinyero ng Bulacan State University [BulSU], nang danasin ng kanyang pamilya ang negatibong epekto sa pagkain ng Bacillus Thuringiensis (BT) Eggplant na mula sa kanilang pananim sa Baliuag, Bulacan. Isang uri ng genetically modified organism o GMO ang BT eggplant na ipinroseso sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang maliit na halaga ng genetic material mula sa iba pang mga organismo sa molekular na pamamaraan. Ang paghahalo ng Bacillus thuringiensis, isang bakterya na may kakayahang lasunin ang mga mapanirang peste sa mga pananim, sa gene ng talong ay paraan upang mapabilang ito sa genetically modified (GM) crops. “ Actually hindi lang talong ang GM crop na mayroon tayo dito sa bansa, mayroon ding mais na naunang ipakilala sa Pilipinas. Dito sa Bulacan, inani natin ang BT mais almost 8 years na after ipakilala ito sa mga Pilipino noong 1999, then ngayong 2014 lang ay nagsulputan na rin ang BT talong dito sa’tin, sa pagkakaalam ko d’yan sa bandang Pulilan mayroon na,” paliwanag ni Alfredo dela Mines, Luzon coordinator ng Agusan Ecotech Foundation. Isa sa mga alternatibong teknolohiya ang BT crops na may kakayahang pumuksa ng mga peste sa pananim. Unang ipinakilala sa Pilipinas ang BT corn bilang panlaban sa European corn borer, isang peste sa hilagang Amerika at Europa na matindi kung manalanta sa mga pananim. Dahil sa naging tagumpay nito sa mauuunlad na bansa ay nahikayat ang mga siyentistang Pilipino na subukan ito sa Pilipinas. Taong 2000 nang isailalim sa isang field test ang BT corn sa pagtutulungan ng University of the Philippines Los Banos Institute of Plant Breeding at Pioneer Seeds, ngunit sa kabila ng katunayang mabisa ang paraang ito upang labanan ang mga salot sa pananim ay mayroon paring umalma sa kadahilanang may negatibong epekto ito sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran. “ Nangunguna ang Greenpeace, isang environment organization ito na kontra sa pagpapalaganap ng BT crops dahil harmful ito sa mga mice, butterflies, lacewing at gayon din sa food chain natin. Ang toxin kasi na nanggagaling sa Bacillus Thuringienis ay masama sa more or less 20, 600 species of insects at masama rin ang naidudulot nito sa lupa kasi itong BT plants ay nagre-release ng toxin sa pamamagitan ng kanilang mga ugat at iniiwanan nila sa lupa na mayroong malaking impact sa ating soil ecology na isang malaking problema,” dagdag ni dela Mines. Dahil sa patuloy na pakikipaglaban ng mga environment organization ay naglabas ng isang resolusyon ang Korte Suprema noong Setyembre 2014 na magbibigay-daan sa Biotechnology Coalition of the Philippines (BCP) na mamagitan sa Greenpeace at sa UP Los Banos ukol sa kaso ng BT Eggplant na banta sa pagba-ban ng iba pang GM plants sa bansa. Ayon sa Greenpeace organization, ang pagkain ng BT talong ay maaaring magbunga ng sakit. Malaki ang posibilidad nitong pinsalain ng paunti-unti ang atay at humantong sa tuluyang pagkasira ng reproductive system ng tao dahil sa mga kemikal na taglay ng GM crop. Samantala, base sa pag-aaral ng Bureau of Plant Industry (BPI), walang negatibong epekto ang mga uri ng halaman na may BT sapagkat hindi naman pareho ang sistema ng katawan ng tao at ng mga peste sa pananim. Dagdag pa nila, nakadisenyo ang BT upang mapagyabong ang produksyon ng mga pananim nang sa gayon ay makatulong sa ekonomiya ng bansa. “ Wala pa namang naire-report na may nangyaring negative sa tao no’ng kumain siya ng produkto ng GMO, bukod nga dito sa sinasabi niyong nagka-rashes at sumakit ang tiyan, hindi natin tiyak kung dahil nga ba ‘yon sa BT talong na kinain nila na sila mismo ang nagtanim. So para sa akin walang problema dito as long as nakikita natin na mas angat ang positibong epekto niya sa bansa,” pahayag ni Benigno Cruz, Agriculturist, Provincial Agriculture Office. Sa kasalukuyan, nagkalat ang BT talong at iba pang produktong GM sa mga pamilihan at patuloy ang pagtatanim ng mga Bulakenyong magsasaka ng ganitong uri ng pananim espesyal sa mga lugar ng Baliuag, Pulilan, San Ildefonso at ilang bahagi ng San Miguel kahit hindi pa tapos ang usapin tungkol sa pagiging legal nito sa Pilipinas. Kung ikukumpara ang organikong paraan ng pagtatanim ng talong sa pagpapatubo ng BT talong, mas madali at matipid ang pangalawa sapagkat hindi na ito kinakailangan pang bantayan at budburan ng kung anu-anong pataba sapagkat ang binhi nito mismo ay nagtataglay na ng panlaban sa mga peste. Mas malaki rin ang kinikita ng mga magsasaka kapag BT talong ang kanilang ginagamit, bukod sa malulusog at maraming bunga, agad itong naibebenta sa mas mataas na halaga dahil sa kalidad na taglay nito. Sa ganitong kadahilanan napupukaw ang loob ng maraming Bulakenyo na tangkilikin ang GM plants. “ Pitong taon simula noong ipakilala ito sa ating bansa at pagkatapos ng malawakang obserbasyon sa BT corn na siyang unang GM crop dito sa Pilipinas ay naging legal na ito dito sa’tin, sa katunayan, tayo pa nga ang kauna-unahang bansa sa Asya na tumangkilik dito dahil nga nakita natin ‘yong advantages nito tulad ng mas maraming mamunga ang halaman, hindi pinepeste at malalaki at malulusog ang bunga, pero ngayon ay muling naging isyu ito dahil nakakita na naman sila ng butas dito,” pahayag ni Cruz. Nagsimula muling tumubo ang imperpeksyon ng BT plants dahil sa ginawang toxicity studies sa India noong 2011 at muling isinagawa noong 2014 na kumitil sa buhay ng maraming daga na nagpapatunay na malaki ang posibilidad na magkaroon rin ito ng masamang epekto sa katawan ng tao. Taliwas naman ang pahayag ni Rene Giron, 55 taong gulang na magsasaka sa Pulilan, sa resulta ng nasabing pag-aaral dahil mag-iisang taon na siyang nagtatanim at kumakain ng BT Eggplant ngunit wala naman siyang nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan. “ Sa katunayan nga ay nagpa-check up pa ako noong bago mag-pasko dahil may iniinda ako sa aking likod, pero ang sabi naman ng duktor, bukod sa lagi lang nababatak ‘yong katawan ko sa pagtatrabaho at dahil na rin sa katandaan, wala nang iba pang problema sa katawan ko,” pagtatapos ni Giron. Marahil hindi pa tahasang nakikilala ng mamamayan ang tunay na karakteridad ng Bacillus Thuringiesis crops at may alinlangan parin sa pananaw ng iba. Hindi pa ganoon katanggap sa Pilipinas ang paggamit nito sa mga pananim. “ Hindi naman kasi natin sila mapipigilan sa gusto nila, lalo na ‘yong mga magsasaka dahil ang pangunahing ikinabubuhay nila ay ‘yon ngang pagtatanim at nagnanais sila ng malaking kita, kaya ang panawagan ko ay para doon sa mga farmers na hindi pa gumagamit at hindi pa nakakasubok, una sa lahat, alamin muna natin ang negatibong epekto nito bago ang positibo, dahil mahirap sumugal sa larong alam mo namang ikaw ang talo sa huli,” pagtatapos ni dela Mines.
0 Comments
Sa muling pagtubo ng mitsa’y hinahanap na ang posporo upang tuluyang sunugin ang ekspidisyong dapat sana’y magbibigay ng kaalaman, hindi ng kamatayan. Sariwa parin sa gunita ng mamamayan ng Bulacan State University (BulSU) ang nangyaring trahedya sa isang educational tour ng mga estudyante ng Turismo sa Biak-na-Bato sa San Miguel, Bulacan; kung saan pito sa siyam na estudyante na sinalubong ng rumaragasang tubig sa Madlum River ang nasawi. Ang trahedyang ito ay naging mitsa upang muling ihinto ang mga off school activities hindi lang sa Bulacan, maging sa buong bansa. Inatasan ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Pasig Rep. Roman Romulo ang lahat ng mga pampublikong paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo na ihinto muna ang mga outdoor educational activities o mga field trips hangga’t hindi pa natatapos at naisasaayos ang mga patakaran tungkol dito. Ngunit wala paring pinal na desisyon kung tuluyan na bang tatanggalin ang mga field trips sa kurikulum. “Ayon sa CHED at DepED, wala munang fieldtrips na isasagawa ang lahat ng eskwelahan ngayong taon. Hindi lang naman itong nangyaring aksidente sa atin (BulSU) ang dahilan nito kun’di marami nang naitalang nadidisgrasya during field trips,” pahayag ni BulSU president Mariano de Jesus. Kabilang sa mga sinasabing iba pang trahedyang naitala habang isinasagawa ang ekspidisyon ay ang bus tragedy sa Tuba, Benguet kung saan pitong estudyante ng Marinduque State College ang namatay. Field trip bus din ang pumatay sa dalawang high school sophomore students ng Bulacan Holy Spirit Academy nang aksidenteng masagasaan sila nito. Ang pagsasagawa ng ekspidisyon ay naglalayong dagdagan ang karanasan at kaalaman ng mga estudyante na hindi kayang tugunan ng mga larawan at salita sa libro. Inihahanda rin nito ang mga mag-aaral sa reyalidad na kahaharapin nila pagkatapos makipagbuno sa paaralan. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng mga off school activities ay alinsunod sa Commision on Higher Education Memorandum (CHED) Order No. 17 series of 2012, kung saan nakasaad ang mga patakarang kailangang sundin ng paaralan sa pagsasagawa ng anomang klaseng field trips. Sa kaso ng unibersidad, lumalabas na ilan sa mga patakarang nakalathala sa nasabing memorandum ang hindi nasunod. Kabilang na rito ang seksyon 15 na nagsasabing dapat ay pasok talaga sa kurikulum at kailangan sa subject ang field trip na gagawin, taliwas sa ginawang ekspidisyon ng College of Home Economics kung saan isa lamang sa aktibidad ng organisasyon ng kursong Turismo na Federation of Accelerating Students of Tourism (FAST) ang ginawang paglabas sa paaralan. Ang katiyakang ligtas ang lugar na pagdarausan ng ekspidisyon ay batay naman sa seksyon 12 ng memorandum. Ngunit sa kasamaang palad, bigo ang unibersidad sa pagpili ng maayos at ligtas na destinasyon para sa field trip sapagkat sinasabing talagang delikado sa Biak-na-Bato lalo pa’t maulan ng mga panahong iyon. “Aminado naman tayo na may pagkukulang nga sa paghahanda. Hindi naman natin masisisi ang mga tao kung sa atin ipupukol lahat ng kasalanan. Pero wala namang may gusto sa nangyari. Ang sa’kin lang, dapat magtulungan tayong ibangon ang unibersidad. Hindi naman tayo tumatalikod sa mga paratang, pero hindi rin natin tatalikuran ang maraming BulSUans na umaasa sa paaralang ito,” saad pa ni de Jesus. Kaugnay nito, ilan sa mga estudyante ng unibersidad ang umalma sa pagkansela ng mga educational trip at tours sa kadahilanang hindi lahat ng kaalaman ay nasa apat na sulok ng paaralan, isa na rito si Mariel Lozano mula sa Journalism. “Ang pagkansela pa nga lang sa field trip ngayong taon ay kabawasan na para sa ikalalago ng karanasan at kaalaman namin, ‘yon pa kayang tuluyan na ‘tong tanggalin. Paano naman kaming nasa kurso ng pamamahayag? Lalo na ‘yong mga nasa Turismo? Kailangan talaga naming lumabas ng school para ma-feel kung anong tatahakin namin in the future,” paliwanag ni Lozano. Sa kabilang banda, aprubado sa ibang mag-aaral ang tuluyang pagtanggal sa mga field trips dahilan na mas mahalaga ang buhay kaysa sa kahit anomang kaalamang ituturo ng ekspidisyon. “Dapat talaga wala nang field trips, gastos na nga, wala pang kasiguraduhan kung makakauwi ka ng buhay. Saka kadalasan hindi naman talaga nakakatulong ‘yong paglabas labas ng paaralan. Kumbaga para mag-enjoy lang ang estudyante kaya nag-a-activity sa labas ng school e. Pero para sa kaalaman, maliit na porsyento lang siguro,” pahayag ni Paulo Teodoro ng BLA 3A. Bukod sa pagkansela ng mga ekspidisyon sa mga paaralan ngayong taon, apektado rin ang makasaysayang Biak-na-Bato sa nangyaring trahedya matapos ideklara ng gobernador ng Bulacan na si Wilhelmino Sy- Alvarado na pansamantala munang isasara ang tourist spot sa mga turista. “Nag-isyu na ‘ko ng executive order kung saan bawal munang dayuhin ang Biak-na-Bato. Hindi naman kasi tayo pwedeng mag-take nalang ng risk lalo pa’t maulan ngayon at delikado kapag ganyang panahon sa Mount Manalmon,” paliwanag ng gobenador. Kilala ang Biak-na-Bato bilang mountain hideout ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng Kastila. Sa lugar ding ito pinirmahan ni Heneral Emilio Aguinaldo at Pedro Paterno ang Konstitusyon ng Malolos. Dagdag pa ang nakabibighaning ayos ng malalaking bato na lumikha ng kuweba na kilala sa tawag na Madlum Cave at ang malinaw na tubig ng Madlum River kaya’t paboritong dayuhin ng mga turista at pagdausan ng mga educational trips. Ngunit ang nakabibighaning ganda at kasaysayan nito ay nagawa nang kumitil ng maraming buhay. “September 2004 nang may walong kabataan ding nalunod sa Madlum. Delikado talaga d’yan lalo na kapag may ulan, kasi magsasama-sama ‘yong tubig sa taas ng bundok Manalmon then sa Madlum River ‘yan dadaan pababa. Mas malakas ang pwersa at mas maraming tubig na nag-ko-cause ng flashflood,” paliwanag ni Officer Liz Mungcal ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC). Ngunit ayon pa sa inimbitang tagapagsalita na si Gian Mariano mula sa Center for Environment and Development Service sa isang Environmental Forum ng BulSU, matatant’yang isang oras matapos umulan ay saka pa lamang raragasa ang tubig pababa ng bundok ngunit dahil sa mga iligal na gawain, bumibilis ang pag-agos ng tubig at mas lumalakas ang pwersa nito. “Sa nangyaring trahedya, wala pang isang oras matapos umulan ay nagkaroon na ng flash flood. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na sanhi ito ng pagkaubos ng puno pampigil ng baha at iligal na pagmimina na nagdudulot ng pagkaubos ng mga batong nag-ho-hold para hindi ga’nun kabilis bumaba ang tubig,” paliwanag ni Mariano. Aniya, may pagkukulang ang munisipalidad ng San Miguel, Bulacan sa paghihigpit sa mga iligal na aktibidad na isinasagawa sa bundok na sakop ng lugar. “Pansamantala lang muna ang pagpapasara sa Biak-na-Bato. We will observe the place. Magpapalagay din ako ng mga safety gears, katulad ng mga harness at magtatalaga ng mga tao para mabantayan ang mga bibisita doon kapag okay na ang lahat. Sa ngayon, iimbestigahan muna natin ang mga dapat managot,” pagtatapos ni Gob. Alvarado. Kaakibat ng mga trahedyang nangyari ang kaalamang anomang oras ay may nakaabang na sakuna. Wala kang ideya sa mangyayari. Hindi mo alam kung anong kahihinatnan ng bawat sandali. Sa paghahanap man ng kaalaman, kailangang tangan mo rin ang pag-iingat. Walang silbi ang anumang karunungan kung hahantong ang lahat sa kamatayan. Ikinaskas na ang palitong pagmumu LUNGSOD NG MALOLOS- Dalawang daang trabaho ang nag-aabang sa mga kapos na Bulakenyo ngayong bakasyon sa pamamagitan ng Special Program for the Employment of Students (SPES) na proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Department of Labor and Employment (DOLE). Handog sa mga estudyante, ang SPES ay magkakaloob ng siguradong tulong pinansyal mula nang sila’y mag-aplay hanggang sa kanilang pagtatapos ayon kay Luisa Regalado, Project Development Officer II ng Provincial Youth Sports, Employment and Development Office (PYSEDO). Gayonpaman, tanging mga edad 15-25 taong gulang at anak ng mga pamilyang kumikita lamang ng mababa sa 120, 000 ang maaaring magsumite sa SPES ng kanilang certified photocopy ng latest tax return sa taong 2014 na duly filed ng Bureau of Internal Revenue. Sa kasalukuyan ay mayroon nang 60 na kabataan ang nabigyang tulong ng SPES at sila’y nagta-trabaho na sa iba’t-ibang kompanya. Samantalang patuloy pa rin ang kanilang pagtanggap ng mga aplikanteng anak ng mga empleyado sa Kapitolyo hanggang 17 ng Abril. “Isang napakagandang oportunidad ang SPES sapagkat hatid nito ay dagdag kita para sa mga estudyante na maaari nilang magamit upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Bukod ditto, natutulungan pa natin ang mga kabataan ito na mahasa ang kanilang mga kakayahan upang maging mahuhusay na empleyado sa hinaharap”, paliwanag ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado. Magsisimula sa Abril 16 at 20 ang summer jobs sa tulong na rin ng Bulacan Sports Council, Mcdonald’s South at Mcdonald’s BSU, Hidden Sanctuary and Resort, at Kalata Corporation. |
Ron Canimo18 years old. Archives
May 2015
Categories |