ron canimo |
0 Comments
Ilang araw ka na niyang hinihintay, Doon sa lugar kung saan una kayong nagkita, Binibilang ang mga taong nagdaraan, Binabalewala ang mga hindi inaasahan. Walang oras na hindi siya umasa, Sa mga mensaheng nanlilimos ng patnugot, Hindi alintana kung kailan ka tatalima, Dahil para sa kanya ito'y hangin, tubig, pag-asa. Sinubukan ka niyang hanapin, Suungin ang mundong nagdaramot, Pulutin ang maliliit na butil ng tyansa, Kahit pa ikaw mismo ang umiiwas, lumalayo. Bingi siya, hindi pinakikinggan ang rason mo, Bulag siya, walang nakikitang mali sa ginagawa niya, Kung kapansanan ang maghintay at umasa, Mabubuhay siyang sa pakiramdam nagtitiwala. Ako na naman ang bida sa kanilang dyaryo. Sikat akong muli dahil sa isiniwalat nilang baho ko. Sinong nagsabing masarap ang buhay ng pulitiko? Nakikipagkamay sa mga tamad na mamamayan. Nagsasalita sa harap ng mangmang na publiko. Sa huli’y ako ang lalabas na masama. Kayo kamo ang naaagrabyado, Ako kamo ang laging lyamado. E bakit ako ang niluklok niyo sa pwesto?
|
ColossusA non-box thinker. Archives
April 2015
CategoriesPhoto credits to Google
|