ron canimo |
lick to add headline
The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) confirmed that it began to demonetize old-designed peso banknotes and is urging the public to swap their old peso bill called New Design Series (NDS) with the New Generation Currency (NGC). Legalized by Section 57, Republic Act No. 7653 known as New Central Bank Act, BSP has been given the power to alter the Philippine money that is circulated for more than three decades. However, NDS, can still be used for paying, buying and other transactions requiring the use of cash up to Dec. 31, 2015. But from Jan. 1, 2015 until December 31, 2016, the public can exchange the notes with financial institutions—universal, commercial, thrift, rural and cooperative banks and BSP's branches across the country at face value and for free. For overseas Filipinos who can't exchange their old bank notes within the period, they may register online starting Oct. 1, 2015 to Dec. 31, 2015 through the BSP website. Since Jan. 1, 2017, old banknotes that have not been trade shall no longer have any fiscal value, BSP decreed. In addition, BPS explained that demonetizing old banknotes is in line with the practices of central banks across the world and also a way to protect the integrity of the Philippine currency. BPS also wanted to align with the practice of other central banks around the world, which normally change their currency design every ten years. In the case of the Philippines, banknotes have been in use since 1985, that is 29 years is too long a time to retain the same design of the bank notes. Also, demonetization has something to do with security and the drive against counterfeiting, BPS added. Way back in 2010, the BSP released new banknotes called "New Generation Currency" which have innovative design and enhanced security features to protect the public from fake money.
0 Comments
“ Ang natatandaan ko lang no’n ay kumain kami ng BT talong na mismong kami [pamilya] ang may tanim, kaya nagtataka rin kami no’ng nagka-rashes kami at ‘yong bunso kong kapatid na 8 years old ay dinala pa sa ospital dahil ayaw tumigil sa pagdudumi.” Ito ang hinaing ni Christian Guzman, mula sa kolehiyo ng mga inhinyero ng Bulacan State University [BulSU], nang danasin ng kanyang pamilya ang negatibong epekto sa pagkain ng Bacillus Thuringiensis (BT) Eggplant na mula sa kanilang pananim sa Baliuag, Bulacan. Isang uri ng genetically modified organism o GMO ang BT eggplant na ipinroseso sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang maliit na halaga ng genetic material mula sa iba pang mga organismo sa molekular na pamamaraan. Ang paghahalo ng Bacillus thuringiensis, isang bakterya na may kakayahang lasunin ang mga mapanirang peste sa mga pananim, sa gene ng talong ay paraan upang mapabilang ito sa genetically modified (GM) crops. “ Actually hindi lang talong ang GM crop na mayroon tayo dito sa bansa, mayroon ding mais na naunang ipakilala sa Pilipinas. Dito sa Bulacan, inani natin ang BT mais almost 8 years na after ipakilala ito sa mga Pilipino noong 1999, then ngayong 2014 lang ay nagsulputan na rin ang BT talong dito sa’tin, sa pagkakaalam ko d’yan sa bandang Pulilan mayroon na,” paliwanag ni Alfredo dela Mines, Luzon coordinator ng Agusan Ecotech Foundation. Isa sa mga alternatibong teknolohiya ang BT crops na may kakayahang pumuksa ng mga peste sa pananim. Unang ipinakilala sa Pilipinas ang BT corn bilang panlaban sa European corn borer, isang peste sa hilagang Amerika at Europa na matindi kung manalanta sa mga pananim. Dahil sa naging tagumpay nito sa mauuunlad na bansa ay nahikayat ang mga siyentistang Pilipino na subukan ito sa Pilipinas. Taong 2000 nang isailalim sa isang field test ang BT corn sa pagtutulungan ng University of the Philippines Los Banos Institute of Plant Breeding at Pioneer Seeds, ngunit sa kabila ng katunayang mabisa ang paraang ito upang labanan ang mga salot sa pananim ay mayroon paring umalma sa kadahilanang may negatibong epekto ito sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran. “ Nangunguna ang Greenpeace, isang environment organization ito na kontra sa pagpapalaganap ng BT crops dahil harmful ito sa mga mice, butterflies, lacewing at gayon din sa food chain natin. Ang toxin kasi na nanggagaling sa Bacillus Thuringienis ay masama sa more or less 20, 600 species of insects at masama rin ang naidudulot nito sa lupa kasi itong BT plants ay nagre-release ng toxin sa pamamagitan ng kanilang mga ugat at iniiwanan nila sa lupa na mayroong malaking impact sa ating soil ecology na isang malaking problema,” dagdag ni dela Mines. Dahil sa patuloy na pakikipaglaban ng mga environment organization ay naglabas ng isang resolusyon ang Korte Suprema noong Setyembre 2014 na magbibigay-daan sa Biotechnology Coalition of the Philippines (BCP) na mamagitan sa Greenpeace at sa UP Los Banos ukol sa kaso ng BT Eggplant na banta sa pagba-ban ng iba pang GM plants sa bansa. Ayon sa Greenpeace organization, ang pagkain ng BT talong ay maaaring magbunga ng sakit. Malaki ang posibilidad nitong pinsalain ng paunti-unti ang atay at humantong sa tuluyang pagkasira ng reproductive system ng tao dahil sa mga kemikal na taglay ng GM crop. Samantala, base sa pag-aaral ng Bureau of Plant Industry (BPI), walang negatibong epekto ang mga uri ng halaman na may BT sapagkat hindi naman pareho ang sistema ng katawan ng tao at ng mga peste sa pananim. Dagdag pa nila, nakadisenyo ang BT upang mapagyabong ang produksyon ng mga pananim nang sa gayon ay makatulong sa ekonomiya ng bansa. “ Wala pa namang naire-report na may nangyaring negative sa tao no’ng kumain siya ng produkto ng GMO, bukod nga dito sa sinasabi niyong nagka-rashes at sumakit ang tiyan, hindi natin tiyak kung dahil nga ba ‘yon sa BT talong na kinain nila na sila mismo ang nagtanim. So para sa akin walang problema dito as long as nakikita natin na mas angat ang positibong epekto niya sa bansa,” pahayag ni Benigno Cruz, Agriculturist, Provincial Agriculture Office. Sa kasalukuyan, nagkalat ang BT talong at iba pang produktong GM sa mga pamilihan at patuloy ang pagtatanim ng mga Bulakenyong magsasaka ng ganitong uri ng pananim espesyal sa mga lugar ng Baliuag, Pulilan, San Ildefonso at ilang bahagi ng San Miguel kahit hindi pa tapos ang usapin tungkol sa pagiging legal nito sa Pilipinas. Kung ikukumpara ang organikong paraan ng pagtatanim ng talong sa pagpapatubo ng BT talong, mas madali at matipid ang pangalawa sapagkat hindi na ito kinakailangan pang bantayan at budburan ng kung anu-anong pataba sapagkat ang binhi nito mismo ay nagtataglay na ng panlaban sa mga peste. Mas malaki rin ang kinikita ng mga magsasaka kapag BT talong ang kanilang ginagamit, bukod sa malulusog at maraming bunga, agad itong naibebenta sa mas mataas na halaga dahil sa kalidad na taglay nito. Sa ganitong kadahilanan napupukaw ang loob ng maraming Bulakenyo na tangkilikin ang GM plants. “ Pitong taon simula noong ipakilala ito sa ating bansa at pagkatapos ng malawakang obserbasyon sa BT corn na siyang unang GM crop dito sa Pilipinas ay naging legal na ito dito sa’tin, sa katunayan, tayo pa nga ang kauna-unahang bansa sa Asya na tumangkilik dito dahil nga nakita natin ‘yong advantages nito tulad ng mas maraming mamunga ang halaman, hindi pinepeste at malalaki at malulusog ang bunga, pero ngayon ay muling naging isyu ito dahil nakakita na naman sila ng butas dito,” pahayag ni Cruz. Nagsimula muling tumubo ang imperpeksyon ng BT plants dahil sa ginawang toxicity studies sa India noong 2011 at muling isinagawa noong 2014 na kumitil sa buhay ng maraming daga na nagpapatunay na malaki ang posibilidad na magkaroon rin ito ng masamang epekto sa katawan ng tao. Taliwas naman ang pahayag ni Rene Giron, 55 taong gulang na magsasaka sa Pulilan, sa resulta ng nasabing pag-aaral dahil mag-iisang taon na siyang nagtatanim at kumakain ng BT Eggplant ngunit wala naman siyang nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan. “ Sa katunayan nga ay nagpa-check up pa ako noong bago mag-pasko dahil may iniinda ako sa aking likod, pero ang sabi naman ng duktor, bukod sa lagi lang nababatak ‘yong katawan ko sa pagtatrabaho at dahil na rin sa katandaan, wala nang iba pang problema sa katawan ko,” pagtatapos ni Giron. Marahil hindi pa tahasang nakikilala ng mamamayan ang tunay na karakteridad ng Bacillus Thuringiesis crops at may alinlangan parin sa pananaw ng iba. Hindi pa ganoon katanggap sa Pilipinas ang paggamit nito sa mga pananim. “ Hindi naman kasi natin sila mapipigilan sa gusto nila, lalo na ‘yong mga magsasaka dahil ang pangunahing ikinabubuhay nila ay ‘yon ngang pagtatanim at nagnanais sila ng malaking kita, kaya ang panawagan ko ay para doon sa mga farmers na hindi pa gumagamit at hindi pa nakakasubok, una sa lahat, alamin muna natin ang negatibong epekto nito bago ang positibo, dahil mahirap sumugal sa larong alam mo namang ikaw ang talo sa huli,” pagtatapos ni dela Mines. Sa muling pagtubo ng mitsa’y hinahanap na ang posporo upang tuluyang sunugin ang ekspidisyong dapat sana’y magbibigay ng kaalaman, hindi ng kamatayan. Sariwa parin sa gunita ng mamamayan ng Bulacan State University (BulSU) ang nangyaring trahedya sa isang educational tour ng mga estudyante ng Turismo sa Biak-na-Bato sa San Miguel, Bulacan; kung saan pito sa siyam na estudyante na sinalubong ng rumaragasang tubig sa Madlum River ang nasawi. Ang trahedyang ito ay naging mitsa upang muling ihinto ang mga off school activities hindi lang sa Bulacan, maging sa buong bansa. Inatasan ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Pasig Rep. Roman Romulo ang lahat ng mga pampublikong paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo na ihinto muna ang mga outdoor educational activities o mga field trips hangga’t hindi pa natatapos at naisasaayos ang mga patakaran tungkol dito. Ngunit wala paring pinal na desisyon kung tuluyan na bang tatanggalin ang mga field trips sa kurikulum. “Ayon sa CHED at DepED, wala munang fieldtrips na isasagawa ang lahat ng eskwelahan ngayong taon. Hindi lang naman itong nangyaring aksidente sa atin (BulSU) ang dahilan nito kun’di marami nang naitalang nadidisgrasya during field trips,” pahayag ni BulSU president Mariano de Jesus. Kabilang sa mga sinasabing iba pang trahedyang naitala habang isinasagawa ang ekspidisyon ay ang bus tragedy sa Tuba, Benguet kung saan pitong estudyante ng Marinduque State College ang namatay. Field trip bus din ang pumatay sa dalawang high school sophomore students ng Bulacan Holy Spirit Academy nang aksidenteng masagasaan sila nito. Ang pagsasagawa ng ekspidisyon ay naglalayong dagdagan ang karanasan at kaalaman ng mga estudyante na hindi kayang tugunan ng mga larawan at salita sa libro. Inihahanda rin nito ang mga mag-aaral sa reyalidad na kahaharapin nila pagkatapos makipagbuno sa paaralan. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng mga off school activities ay alinsunod sa Commision on Higher Education Memorandum (CHED) Order No. 17 series of 2012, kung saan nakasaad ang mga patakarang kailangang sundin ng paaralan sa pagsasagawa ng anomang klaseng field trips. Sa kaso ng unibersidad, lumalabas na ilan sa mga patakarang nakalathala sa nasabing memorandum ang hindi nasunod. Kabilang na rito ang seksyon 15 na nagsasabing dapat ay pasok talaga sa kurikulum at kailangan sa subject ang field trip na gagawin, taliwas sa ginawang ekspidisyon ng College of Home Economics kung saan isa lamang sa aktibidad ng organisasyon ng kursong Turismo na Federation of Accelerating Students of Tourism (FAST) ang ginawang paglabas sa paaralan. Ang katiyakang ligtas ang lugar na pagdarausan ng ekspidisyon ay batay naman sa seksyon 12 ng memorandum. Ngunit sa kasamaang palad, bigo ang unibersidad sa pagpili ng maayos at ligtas na destinasyon para sa field trip sapagkat sinasabing talagang delikado sa Biak-na-Bato lalo pa’t maulan ng mga panahong iyon. “Aminado naman tayo na may pagkukulang nga sa paghahanda. Hindi naman natin masisisi ang mga tao kung sa atin ipupukol lahat ng kasalanan. Pero wala namang may gusto sa nangyari. Ang sa’kin lang, dapat magtulungan tayong ibangon ang unibersidad. Hindi naman tayo tumatalikod sa mga paratang, pero hindi rin natin tatalikuran ang maraming BulSUans na umaasa sa paaralang ito,” saad pa ni de Jesus. Kaugnay nito, ilan sa mga estudyante ng unibersidad ang umalma sa pagkansela ng mga educational trip at tours sa kadahilanang hindi lahat ng kaalaman ay nasa apat na sulok ng paaralan, isa na rito si Mariel Lozano mula sa Journalism. “Ang pagkansela pa nga lang sa field trip ngayong taon ay kabawasan na para sa ikalalago ng karanasan at kaalaman namin, ‘yon pa kayang tuluyan na ‘tong tanggalin. Paano naman kaming nasa kurso ng pamamahayag? Lalo na ‘yong mga nasa Turismo? Kailangan talaga naming lumabas ng school para ma-feel kung anong tatahakin namin in the future,” paliwanag ni Lozano. Sa kabilang banda, aprubado sa ibang mag-aaral ang tuluyang pagtanggal sa mga field trips dahilan na mas mahalaga ang buhay kaysa sa kahit anomang kaalamang ituturo ng ekspidisyon. “Dapat talaga wala nang field trips, gastos na nga, wala pang kasiguraduhan kung makakauwi ka ng buhay. Saka kadalasan hindi naman talaga nakakatulong ‘yong paglabas labas ng paaralan. Kumbaga para mag-enjoy lang ang estudyante kaya nag-a-activity sa labas ng school e. Pero para sa kaalaman, maliit na porsyento lang siguro,” pahayag ni Paulo Teodoro ng BLA 3A. Bukod sa pagkansela ng mga ekspidisyon sa mga paaralan ngayong taon, apektado rin ang makasaysayang Biak-na-Bato sa nangyaring trahedya matapos ideklara ng gobernador ng Bulacan na si Wilhelmino Sy- Alvarado na pansamantala munang isasara ang tourist spot sa mga turista. “Nag-isyu na ‘ko ng executive order kung saan bawal munang dayuhin ang Biak-na-Bato. Hindi naman kasi tayo pwedeng mag-take nalang ng risk lalo pa’t maulan ngayon at delikado kapag ganyang panahon sa Mount Manalmon,” paliwanag ng gobenador. Kilala ang Biak-na-Bato bilang mountain hideout ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng Kastila. Sa lugar ding ito pinirmahan ni Heneral Emilio Aguinaldo at Pedro Paterno ang Konstitusyon ng Malolos. Dagdag pa ang nakabibighaning ayos ng malalaking bato na lumikha ng kuweba na kilala sa tawag na Madlum Cave at ang malinaw na tubig ng Madlum River kaya’t paboritong dayuhin ng mga turista at pagdausan ng mga educational trips. Ngunit ang nakabibighaning ganda at kasaysayan nito ay nagawa nang kumitil ng maraming buhay. “September 2004 nang may walong kabataan ding nalunod sa Madlum. Delikado talaga d’yan lalo na kapag may ulan, kasi magsasama-sama ‘yong tubig sa taas ng bundok Manalmon then sa Madlum River ‘yan dadaan pababa. Mas malakas ang pwersa at mas maraming tubig na nag-ko-cause ng flashflood,” paliwanag ni Officer Liz Mungcal ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC). Ngunit ayon pa sa inimbitang tagapagsalita na si Gian Mariano mula sa Center for Environment and Development Service sa isang Environmental Forum ng BulSU, matatant’yang isang oras matapos umulan ay saka pa lamang raragasa ang tubig pababa ng bundok ngunit dahil sa mga iligal na gawain, bumibilis ang pag-agos ng tubig at mas lumalakas ang pwersa nito. “Sa nangyaring trahedya, wala pang isang oras matapos umulan ay nagkaroon na ng flash flood. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na sanhi ito ng pagkaubos ng puno pampigil ng baha at iligal na pagmimina na nagdudulot ng pagkaubos ng mga batong nag-ho-hold para hindi ga’nun kabilis bumaba ang tubig,” paliwanag ni Mariano. Aniya, may pagkukulang ang munisipalidad ng San Miguel, Bulacan sa paghihigpit sa mga iligal na aktibidad na isinasagawa sa bundok na sakop ng lugar. “Pansamantala lang muna ang pagpapasara sa Biak-na-Bato. We will observe the place. Magpapalagay din ako ng mga safety gears, katulad ng mga harness at magtatalaga ng mga tao para mabantayan ang mga bibisita doon kapag okay na ang lahat. Sa ngayon, iimbestigahan muna natin ang mga dapat managot,” pagtatapos ni Gob. Alvarado. Kaakibat ng mga trahedyang nangyari ang kaalamang anomang oras ay may nakaabang na sakuna. Wala kang ideya sa mangyayari. Hindi mo alam kung anong kahihinatnan ng bawat sandali. Sa paghahanap man ng kaalaman, kailangang tangan mo rin ang pag-iingat. Walang silbi ang anumang karunungan kung hahantong ang lahat sa kamatayan. Ikinaskas na ang palitong pagmumu LUNGSOD NG MALOLOS- Dalawang daang trabaho ang nag-aabang sa mga kapos na Bulakenyo ngayong bakasyon sa pamamagitan ng Special Program for the Employment of Students (SPES) na proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Department of Labor and Employment (DOLE). Handog sa mga estudyante, ang SPES ay magkakaloob ng siguradong tulong pinansyal mula nang sila’y mag-aplay hanggang sa kanilang pagtatapos ayon kay Luisa Regalado, Project Development Officer II ng Provincial Youth Sports, Employment and Development Office (PYSEDO). Gayonpaman, tanging mga edad 15-25 taong gulang at anak ng mga pamilyang kumikita lamang ng mababa sa 120, 000 ang maaaring magsumite sa SPES ng kanilang certified photocopy ng latest tax return sa taong 2014 na duly filed ng Bureau of Internal Revenue. Sa kasalukuyan ay mayroon nang 60 na kabataan ang nabigyang tulong ng SPES at sila’y nagta-trabaho na sa iba’t-ibang kompanya. Samantalang patuloy pa rin ang kanilang pagtanggap ng mga aplikanteng anak ng mga empleyado sa Kapitolyo hanggang 17 ng Abril. “Isang napakagandang oportunidad ang SPES sapagkat hatid nito ay dagdag kita para sa mga estudyante na maaari nilang magamit upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Bukod ditto, natutulungan pa natin ang mga kabataan ito na mahasa ang kanilang mga kakayahan upang maging mahuhusay na empleyado sa hinaharap”, paliwanag ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado. Magsisimula sa Abril 16 at 20 ang summer jobs sa tulong na rin ng Bulacan Sports Council, Mcdonald’s South at Mcdonald’s BSU, Hidden Sanctuary and Resort, at Kalata Corporation. Huwag lang matuloy. Kanselado ang klase at ilang final examinations sa Bulacan State University (BulSU) Meneses campus dulot ng isang text message na nagsasabing may mga bombang nakatanim sa paligid ng unibersidad noong ika-23 ng Marso sa Bulakan, Bulacan. Pasado alas nuebe ng umaga nang matanggap ni Victoria Tiongson, part time instructor ng eskwelahan ang mensahe mula sa mga numerong 0936-5162-561 na nagbababala tungkol sa humigit-kumulang limang bombang sabay sabay sasabog sa kampus sa loob lamang ng dalawang oras. “Ang unang step na ginawa namin ay ipa-verify ‘yong text. After securing the advice from the bomb experts, saka palang kami nagkansela ng klase, kasi siyempre hindi naman tayo agad agad magpa-panic at magpapauwi ng bata lalo pa’t hindi rin naman klaro ‘yong message, kaduda-duda kumbaga,” paliwanag ni Dean Remigio Musca. Dakong alas onse nang palabasin ang mga estudyante at kanselahin na ang pang-hapong klase upang maisagawa ng bomb squad at K9 unit ng Bulakan ang pagi-inspeksyon at clearing operation sa lugar. “Nagbe-bake kami no’n para sa final exam namin then no’ng nakarinig kami na may bomb threat daw, minadali na kami no’ng prof namin kahit hindi pa gano’ng luto ‘yong bine-bake namin. Maaga kaming pinauwi no’n kahit hindi pa tapos ang mga exams dahil may mga nakakalat na ring pulis,” pahayag ni Jemelle Manlangit, BSHRM 2-A. Alas kuatro ng hapon nang ideklara ni P.Supt. Gerry Andaya, hepe ng Bulakan PNP na ligtas ang pasibilidad at walang anomang uri ng pampasabog ang nakatanim sa loob at labas ng eskwelahan. Marahil ‘di umano’y gusto lamang manggulo ng sender ng mensaheng natanggap. Hindi rin naman nawawala ang konklusyong baka mismong estudyante lang ng pamantasan ang nagpasimula ng kaguluhan dahil ayon kay Junie Balucan, head guard: “ Sino bang magkaka-interes na pasabugin ‘tong eskwelahan di’ba? Wala namang may galit dito, ang mayroon lang e final exam. Pwedeng ‘yong batang hindi nakapag-review o hindi nakapagbayad ng matrikula. Logic lang naman e.” Bulacan State University (BulSU) Gold Gear have defended their crown in the State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) III at the Camiling Tarlac last December 15-21, 2014 and awarded on 5th of February this year. Gold Gear seized the victory once more after getting the 18th inevitable victor from different field of sports. Bagging 154 golds, 88 Silver, and 56 bronze in total, BulSU beats the Central Luzon State University (CLSU) that took home 60 golds, 88 Silver, and 62 bronze placing them in the silver throne. Bataan Peninsula State University (BPSU), being in the 3rd place, got 48 gold, 27 Silver, and 46 bronze. In this season, BulSU Women’s Basketball team embraced the gold medals again for the fourth time as well as the female athletes from Footsal, Athletics, and Lawn Tennis remained in the 1st place for the five straight years. Meanwhile, the BulSU Football team ended the game with a 3-0 score beating the CLSU. In addition, Swimming team of BulSU dives for the gold. "In the field of swimming, we are always champion, actually we already made a history due to unbeatable record of BulSU in that particular sport," Raquel Mendoza, Sport Directress told. On the other hand, Men’s and Women’s Badminton Athletes smash again the highest award as what they did last year. Also, the Baseball and Volleyball team got the gold medals. BulSU Men’s Basketball team tried to surpass the Tarlac State University (TSU) by means of their defense to get the gold they had last year. In the Taekwondo category, Gold Gear kickers rise again from end place to number one. Sepak Takraw also boots to the top from 3rd place so as Dance Sports remain to its bronze title. "First of all, I want to thank God for the triumph and I want to commend our sports directress for her dedication and hard work and also to the coach’s trainers and especially athletes. I'm so happy because you gave an honor to our university," President Mariano De Jesus, president of BulSU stated. Lastly, BulSU Gold Gear exceeded all the 18 consecutive competitions including United Luzon Athletic Association (UCLAA) and Bulacan Collegiate Athletic Association (BCAA). Several protester groups held a dispute in Mendiola, Manila advising President Benigno Aquino III to leave the presidency on his 55th birthday, February 8. The militant groups brought a “resignation cake” urging the Philippine president to step down from office after what happened in Mamasapano, Maguindanao last January 25. During the president’s speech, protesters blasted PNoy for not disclosing his exact role in the Mamasapano clash which left 44 elite cops dead. Meanwhile in the house of Malacañang, opposition lawmakers dismissed President Aquino’s speech as “an empty acceptance of responsibility and” “Pontius Pilate has spoken again. Ultimate responsibility rests on the President for the death of SAF 44,” Kabataan party-list Rep. Terry Ridon said. He insisted the dismissed PNP Special Action Force head Getulio Napeñas Jr., to tell the truth on the informations he had about Aquino’s responsibility in the Mamasapano incident. Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate also slammed Aquino. “The President merely absolved himself and Purisima of direct responsibility,” he said on a television interview. Both Ridon and Zarate urged the President to follow Purisima’s lead and resign, saying he was the major decision maker in the ill-fated operation. “President Aquino should not evade responsibility for the untimely and bloody demise of the “Fallen 44” and use Purisima as his fall guy,” Ridon said in a press interview. The said militants and party-list groups where looking for justice for the said tragedy of the Fallen 44 and were to blame of those who must be responsible for it. But for some Filipino, PNoy must finish his term with his best effort instead of surrendering and giving up his position. “Tapusin nalang ang termino niya. Maniwala nalang tayo sa kung ano pa ang kaya niyang gawin tutal siya naman ang nakaluklok ngayon at binoto ng taong bayan,” Paulo Teodoro, a concerned citizen. In spite of the high-wall tragedy that killed 11 people in the warehouse being constructed in Barangay Ilang-ilang on 19th of January, Guiguinto Bulacan still thrived on its centennial anniversary celebration through 16th Halamanan Festival on 21 at the town proper. Themed "Sandaang Taon ng Sangang-Daang Kaunlaran," the town rejoiced throughout different activities such as the major event of the festival which is the street dancing known as "Indakan sa Kalye" that featured performers and muses from different barrios in town. The street dancing begun from Guiguinto PEO to Guiguinto Municipal Gym where the dancers from all 14 barangays namely Cutcut, Daungan, Ilang-Ilang, Malis, Panginay, Poblacion, Pritil, Pulong Gubat, Santa Cruz, Santa Rita, Tabang, Tabe, Tiaong and Tuktukan had their showdown. “ Damang dama ko ang pagiging Guiguinteno sa pamamagitan ng mga activities na ginagawa during the celebration, especially itong indakan sa kalye, isa kasi sa pinaka-inaabangan ‘to kaya naman as a participant, proud ako,” stated John Reg Martinez, from barangay Ilang-icolang. In the meantime, different departments and organizations in Guiguinto such as the Ospital ng Guiguinto, Day Care Workers, Municipal Health Office, and Knights of Columbus also joined the parade of dancers. Moreover, Halamanan Festival was initiated by Mayor Boy Cruz on January 23, 1999 since Guiguinto is known as the "Plant Garden Capital of the Philippines" and planting is the major source of livelihood of Guiguinteños. According to Guiguinto Mayor Ambrosio "Boy" Cruz Jr.," even if there’s a recent misfortune happened in the town, there are more good reasons to celebrate. "Nakakalungkot dahil mayroon pang sumapit na trahedya sa atin bago ang selebrasyon, gayonpaman naniniwala akong panggising lang ito sa atin ng Diyos. Isang mensahe ito sa atin na dapat pa tayong magpakatatag at lalong manalig sa kanya." explained Cruz. An approximately six million people went to Pope Francis’ final mass in Quirino Grandstand, Manila on 18th of January making the attendance the largest papal gathering in history. The Pope blessed a statue of Sto. Niño in celebration of its feast and honor to the Infant Jesus, before starting the mass. He also convenes with the Kristel Padasas’ father and cousins, sending his condolences over her tragic death in Tacloban. Padasas was the lone casualty in the accident that happened after the pope’s mass in the province. Prayers of the Faithful were said in diverse languages such as Hiligaynon, Kapampangan, Ilokano, Cebuano, Binisaya and Bikolano while the Lord’s Prayer was sung in Filipino. During his homily, Pope Francis asked the Filipinos to never forget to pray for him as he prayed to Sto. Niño for the blessing of Philippines and sustaining the Christians of the nation. He called the Filipinos excellent missionaries of faith in Asia. “Kakaiba talaga ‘yong impact ng message ni Pope Francis sa mga Filipino, especially sa’kin. Nandoon kasi ‘yong sincerity niya sa mga binibitawan niyang salita at wala siyang dine-degrade na tao. Kahit malayo ako sa kanya at once ko lang siya nakita, feeling ko bless na bless ako,” explained Lucy Salvador, attendee. In chorus, the attendees sang “Tell the World of His Love” popularized by Jamie Rivera while holding up their candles. Regardless of the cold and the rain, Filipinos remained on their places as it was announced that Pope Francis would be rounding in the area to reach more people. As well, Pope Francis tolerated the bad weather, roving around Luneta with jeepney-inspired popemobile and wearing his yellow raincoat with his mark big smile. With that modest gesture, he captured the hearts of many even the non-Catholics. The Alpha Phi Omega (APO) Epsilon Kappa Chapter ran naked around Bulacan State University (BulSU) on December 10 to express their objection regarding violence without justice issues that happen. With the theme “Biktima ng Nakaraan, Katarungan huwag Kalimutan”, the fraternity ran to encourage students to involve themselves to fight for impartiality that sometimes hidden due to abused authority and forgotten over time. “Ang purpose ng pagtakbo na ito ay para ipaalala sa mga estudyante at sa mga nakapanood na may mga karahasan sa bansa natin na hanggang ngayon ay hindi parin nabibigyan ng hustisya, kumbaga upang sariwain ang mga karahasan sa nakaraan na natabunan na ng kasalukuyan,” explained Michael Francia, APO Grand Chancellor. A total of 45 APO members participated in the freedom run with their masks and placards on, convincing BulSUans to be more aware of the violence enveloping the country’s biggest tragedy such as the 2009 Maguindanao Massacre. “Ito kasi ‘yong malaking pagkakataon upang maiparating namin sa publiko ‘yong adhikain namin na tigilan ang karahasan at bigyan ng hustisya ang mga naging biktima nito, katulad na nga lang noong Maguindanao Massacre na hanggang ngayon ay wala paring nananagot sa kaso,” stated member of APO, Darius Estanda. Aside from the non-violence campaign, the APO also supported the refund of Php1,500 Development Fee which collected by the university through the said oblation run. Furthermore, the fraternity ensured that the advocacy of the freedom run will be kept alive and passed on to the new generation as their way of involving in the university and even in the national issues of the country. “ Astig ‘yong way nila para i-shout out ang mga gusto nilang sabihin sa mga kinauukulan at sa masa. ‘Yong pagtakbo nila ng nakahubad, kung mas papalawakin mo ang isip mo, hindi for entertainment ‘yon e, may mas malalim na purpose ‘yon na dapat maintindihan natin,” said Quincy Vinuya, BSeD 3H. |
Ron Canimo18 years old. Archives
May 2015
Categories |