ron canimo |
0 Comments
Patuloy ang pagpatak ng ulan Kamusmusa’y nagtampisaw Tumingala sa umiiyak na langit Ipinikit ang mga mata. Patuloy ang pagpatak ng ulan Tumakbo nang walang alintana Ibinuka ang pakpak niyang kamay Dinama ang bawat sandali. Patuloy ang pagpatak ng ulan Isinigaw ang gusto niyang sabihin Umikot hanggang sa mapawi Kumawala sa dikta ng iba. Patuloy ang pagpatak ng ulan Hindi mo siya makikita Ni kailan hindi mo siya nakita Humalo, inakala mong ito’y ulan.
|
ColossusA non-box thinker. Archives
April 2015
CategoriesPhoto credits to Google
|