ron canimo |
lick to add headline
Muling inungkat ang mga nagawa ni Gat. Marcelo H. Del Pilar sa Unang Panglalawigang Kumperensiyang isinagawa noong ika-30 ng Agosto sa Malolos Sports and Convention Center. Dinaluhan ng mga mag-aaral ng Jornalismo at Turismo ang seminar na may titulong “Mastermind” kung saan diniskurso ang mga kontribusyon ng Propagandistang si Del Pilar sa rebolusyon at paghubog ng bansa. Ayon kay King Cortez, isang hitoryador at propesor na siyang naging tagapagsalita sa diskusyon, si Marcelo del Pilar ang tunay na Utak ng Katipunan. “Kung tutuusin mas malaki ang paghihirap na dinanas ni del Pilar bago siya mamatay kaysa kay Rizal. Ang kaso nga lang, mas dramatic ang pagkamatay ni Rizal. Pero kung sa nagawa, mas maraming kontribusyon si Marcelo sa paglaya ng Pilipinas.” Tulad ng karaniwang seminar, nagkaroon din ng pagkakataong magtanong ang mga tagapakinig tungkol sa kasaysayang hanggang ngayon ay maramin paring naglalabasang isyu. “Boring ang history, oo. Pero kapag kasi sa mga isyu na tungkol sa nakaraan, tulad nitong malaki pala ang posibilidad na si Marcelo del Pilar ang pambansang bayani natin, e masarap pag-aralan at himayin ang kasaysayan,” pahayag ni Anne Joyce Raymundo, mag-aaral ng Journalismo 4A. Nakatanggap ng sertipiko ang mga dumalo sa diskusyong tumagal ng limang oras, simula ala-una hanggang alas-singko ng hapon.
0 Comments
Leave a Reply. |
Ron Canimo18 years old. Archives
May 2015
Categories |